May 11, 2024

WWE star Braun Strowman, muntikan nang mag-suicide

Ibinulalas ni WWE star Braun Strowman na parang mag-ama ang turingan nila ni WWE CEO Vince McMahon.Ayon sa tinaguriang ‘The Monster Amongst Men’, 36-anyos, dumanas siya noon ng depresyon.

Dumating sa puntong nagtangka siyang mag-suicide. Ngunit,pinigilan siya ng WWE Chairman. Ito ang kanyang naging rebelasyon sa recent episode ng WWE Chronicle.

Si Strowman ay naging WWE Universal Champion ngayong taong 2020. Nakuha niya ang title belt kay Goldberg noong ‘Wrestlemania 36’.

Markado rinsiya sa pagharap kay heavyweight boxer Tyson Gury noong ‘Super Showdown’.

Ayon sa 6’8 na wrestler, binalak niyang magpakamatay noong 2019. Dismayado kasi siya sa kanyang trabaho at papel sa WWE.

Inihayag niya ang kanyang  mabigat na problema kay McMahon.

 “I got to the point where I was on the verge of I had enough.”

“I kind of busted in on Vince one day in a meeting and I was like ‘I need to talk to you.”

https://www.youtube.com/watch?v=WXflC24q118

“He kicked everybody out of the production meeting and he sat down and talked to me.Not like boss to employee but like man to man, almost like a father son talk thing,” ayon kay Adam Scherr (ngalan ni Strowman sa tunay na buhay).

“I’m very thankful to have a relationship with him like that because I might not even be here,” aniya.