May 4, 2024

WWE STAR ALEXA BLISS, PINAGBANTAAN NG SOCIAL MEDIA FOLLOWER NA BABARILIN

Napatawag ng pulis si WWE star Alexa Bliss matapos makatanggap ng death threats. Ang pagbabanta sa kanya ay galing sa isang follower sa Instagram. Pati ang kanyang mister na si Ryan Cabrera ay pinagbantaan din.

Anonymous user ang nasa likod ng horrific threats. Kung saan, nagbanta ito na babarilin si Bliss at ang kanyang mister.Nakadama din ng pagkainis ang former WWE Smackdown women’s champion sa follower ang follower niyang isang troll.

Nakatawag pansin sa WWE star ang post ng follower niya na isang troll. Panay ang comments nito sa kanyang social media page o Twitter.

“@alexa_bliss_wwe_ so you can’t stop me there. what you going to do put an restraining order on me that’s not goin to work cause you can’t do that sweetheart nice try tho.”


 “I do have something to say?’ sabi ni Bliss.

I saw the DM you sent to people saying you were going to shoot me and my husband yourself,” aniya.

Sineyb ni Bliss sa pamamagitan ng screenshot ang posts ng follower. Sa gayun ay magamit na ebidensiya at maipakita sa otoridad.