April 29, 2024

WWE NXT STAR VELVETEEN DREAM, NASANGKOT SA CAR ACCIDENT

Isinugod si World Wrestling Entertainment (WWE) NXT star Velveteen Dream sa ospital, hindi dahil sa coronavirus. Kundi, nasangkot ito sa isang car accident.

Ang naturang insidente ay iniulat ng respetadong wrestling journalist na si Sean Ross Sapp sa Twitter— pagkatapos na makumpirma ang aksidente. Gayunman, walang komento ang WWE sa nasabing pangyayari.

WWE has confirmed to me that Velveteen Dream was in a car accident today, and has been released from the hospital,” pahayag ni Sapp.

Kaugnay dito, nakalabas naman ng ospital ang wrestler pagkatapos umanong makumpirma na hindi naman ito nagkaroon ng anumang malalang pinsala o serious injuries.

Si Dream, Patrick Clark sa totoong buhay ay nasa peligrong patalsikin sa WWE, marahil aniya ay dahil sa akusasyon sa kanyang illegal social media behavior nitong nagdaang Abril.

Katunayan, hindi siya nakita sa NXT TV episode nitong nakaraang Miyerkules.