May 18, 2024

WWE LEGEND BRUTUS ‘ THE BARBER BEEFCAKE’ KAILANGAN NG DALANGIN NG FANS DAHIL SA LUMALALANG HEALTH ISSUES

Nanawagan ng panalangin ang asawa ni WWE legend Brutus ‘The Barber’ Beefcake sa mga fans. Sa gayun ay bumuti na ang kondisyon nito. Ayon sa misis ng 64-anyos na WWE Hall of Famer, nakikipaglaban ang mister sa health issues nito.

Sa post ng misis ni Beefcake na si Missy sa Facebook, sinabi nito na mayroong blood pressure ang mister na 170/110. Kung kaya, nahihirapan itong huminga at labis na pananakit ng ulo.

Marahil ay nakaapekto rin ang natamo nitong aksidente noong 1990. Kung saan, nabarag ang kanyang facial skeleton sa isang parasailing accident.

I took life one day at a time. I had the support of people in the WWE, and I had a good friend in the Hulkster,” ani Beefcake.

Si Beefcake ay si Edward Leslie sa tunay na buhay. Muli siyang kumaldag sa River City Wrestling Con sa Jacksonville Fairgrounds. Naganap iyon nito lamang buwan ng June. Nooong 2019, nailuklok siya sa WWE’s Hall of Fame.