May 19, 2024

WWE HALL OF FAME SCOTT HALL, NAKA-LIFE SUPPORT MATAPOS MA-HEART ATAACK NG TATLONG BESES

Kasalukuyang naka-life support si WWE Hall of Fame Scott Hall matapos atakehin sa puso. Ayon sa ulat, tatlong beses na-heart attack ang dating wrestler.


Si Hall, 63 o mas kilala bilang si ‘Razor Ramon’ ay nagretiro noong 2010. Kasalukuyan itong ginagamot sa Wellstar Kennestone Hospital sa Marrietta, Georgia.


Nitong kaagahan ng Marso, dinala siya sa ospital matapos madulas at ma-injured sa balakang. Dahil sa nangyari, nagpaabot naman ng prayer brigade ang mga fans sa Twitter.


Gayundin ang nasa industriya ng wrestling para sa recovery ni Hall. Kabilang na rito sina Dwayne ‘The Rock’ Johnson at Paige. Nag-twet din sina Cristopher Daniels, ‘The Nature Boy’ Rick Flair, Mickie James-Aldis, Cora James at Natalia.