May 8, 2024

WWE DIVA ALEXA BLISS AT SINGER RYAN CABRERA, IKINASAL NA

Ikinasal na si WWE Diva Alexa Bliss sa singer na si Ryan Cabrera sa Kempa Villa, Palm Desert sa California. Nag-umpisa ang love affair ng dalawa noong 2018. Ito’y matapos maghiwalay si Bliss at ang ex-WWE star Buddy Murphy.


Noong November 2020, inanunsiyo ng dalawa na engaged na sila. Kapwa masaya ang newly wed sa espesyal na okasyon sa kanilang buhay.


Sinopresa naman ang bagong kasal ng sikat na boy band noong 90’s. Nagulat ang dalawa dahil sa performance ng grupong ‘NSync’. Nakipagkulitan din si Bliss sa pagsayaw sa grupo habang kinakanta ang ‘Bye, Bye, Bye.


“Mine came to me in a dream,” ani Cabrera.


It was like 4 a.m., and I had this dream about me reading the vows to her. I was uncontrollably crying, but I was reading the vows, and I was like, ‘Oh, that’s good stuff!”


As soon as I put on the dress that I customized, I was like, ‘This is my dress.’ I got emotional. The one thing everyone who I show my dress to says is, ‘That’s you. That is you in a dress,” sabi ni Bliss.