May 17, 2024

WUSHU SENSATION AGATHA WONG, TARGET MAKAKAMIG NG GOLD SA 31ST SEA GAMES


Target ni wushu sensation Agatha Wong na makalambat ng gold medal sa 31st SEA Games. Kaya naman, naghahanda siya pati na ang ilang member ng national team sa bubble training.


Focus si Agatha sa kanilang training sa Rizal Memorial Sports Complex. May ipinasilip din siyang video sa kanyang Youtube vlog.
Ayon sa 23-anyos na wushu athlete, na sasalang sana sa bubble training noong Pebrero 15. Subalit, hindi ito natuloy. Noong 2019 SEA Games, sumikwat si Wong ng 2 gold medals.


Kung saan, humakot ang wushu team ng 11 medals. Pito rito ang gold, 2 silver at 2 bronze. Idaraos ang 31st edition ng SEA Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo.