May 21, 2024

‘WOW MALI PA RIN’ BALIK SA PANG-GO-GOOD TIME

Marami ang nakapapansin na dumarami na ang komersiyal sa Kapatid Network o TV 5. Marahil, ito ang epekto nang mabawasan ang ‘circle of competition’ sa local TV, dahil sa pagkawala sa ere ng isang higanteng network.

Kung kaya, bumaling ang ilang mga advertisers sa Kapatid Network. Kapansin-pansin din na bumalik sa ere ang ilang dating palabas ng Kapatid Network. Na ang mga palabas ay inaabangan ng ilang viewers dahil natutuwa sila, lalo na ang pinagsama-samang clip ng palabas na comedy.

Kabilang na rito ang pagbabalik pang-go-good time ng Wow Mali Pa Rin ni “Ang Poet N’yo’ ni Joey De Leon, kasama si Mr. Fu at Ate Krizzy; LokomokoU kasama sina JC De Vera, Ranier Castillo, Tuesday Vargas, Yana Asistio, Long Mejia, Edgar Allan Guzman, Princess Ryan, Iwa Motto, Valeen Montenegro, Milagring, Luningning, Mariposa, Dianne Medina, Alwyn Uytengco, Arci Munoz, Empoy at Caloy Alde.

Ang naturang palabas ay mapapanood mula Lunes hanggang Biyernes alas 7:30 hanggang alas 9:00 ng gabi;  pagkatapos ng balik-airing ng ‘Valiente’ remake na pinagbibidahan nina JC De Vera, Oyo Boy Sotto, Nadine Samonte at Nina Jose.

Mapapanood din ang ‘Ang Panday’; na inire noong 2016 na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez ( Panday) , Jasmine Curtis Smith, Bangs Garcia, Jeffry Quezon, Empoy, Carlos Agassi, Kuya Bodjie (ng Batibot), Sam Pinto at Christopher De Leon bilang Lizardo.

Ayon sa source sa Kapatid Network, kaya gayun muna ang line-up ng palabas nila ay dahil sa nahinto ang tapings at shows nila sa network dahil sa Covid-19. Kapag unti-unti nang bumabalik sa normal at maayos na angsitwasyon, sila sa dating gawi.