May 16, 2024

World ranking ng Gilas Pilipinas, nanatili sa dati nitong puwesto

Kumapit pa rin sa kanyang dating puwesto ang Gilas Pilipinas sa world rankings. Batay sa inilatag na rankings ng FIBA, napanatili ng national men’s basketball team ang ika-31 seed.

Nakapagtala ang Gilas ng 340.8 points buhat sa two consecutive wins. Ito ay sa mga naipanalong laro sa November window ng FIBA Asia Cup 2021.

Kung kaya, nasa 6th spot ang Pilipinas sa pinagsamang Asia-Oceania region.

Kasunod nito ang world no. 3 Australia (on 666.5 points), world no. 23 Iran (432.1), world no. 25 New Zealand (420.5), world no. 28 China (363.7) at world no. 30 South Korea (341.1).

Mula naman sa dating 49th spot, bumaba ang Gilas Pilipinas Women sa 50th. Tangan ng women’s team ang 124.5 puntos.