May 16, 2024

WNBA star Maya Moore, ikinasal sa lalaking tinulungan niyang makalaya sa kulungan

NATAGPUAN na ni WNBA star Maya Moore ang lalaking makakasama niya habambuhay.

Ibinunyag ng Minnesota Lynx ace na ikinasal na siya kay Jonathan Irons. Si Irons ay ang lalaking tinulungan niya sa loob ng kulungan.

We got married a couple of months ago.”

We’re excited to continue this new chapter of life together,” saad ni Moore sa Good Morning America.

Unang niyang nakilala ang 40-anyos na si Irons noong siya ay 18-anyos pa lamang.

Isinuko ng dating WNBA MVP ang kanyang career upang tulungan si Irons. Hinatulan kasi ito ng 50 taon sa kulungan dahil sa kasong burglary at assault.

Makaraan ang mahigit 20 taon, nakalaya si Irons noong Hulyo 2020.

Over the last 13 years, we have just developed a friendship and just entered this huge battle to get him home.”

Over time, it was pretty clear what the Lord was doing with our hearts.”

Ilang taon din na naging malapit na magkaibigan ang dalawa bago mahulog ang damdamin ng mga ito sa isa’t isa.

Balak nang pakasalan sana ni Irons ang 31-anyos na si Moore habang siya ay nasa loob ng kulungan.Pero, ipinasya nito na huwag na munang ituloy hangga’t hindi pa siya tuluyang nakalalaya.

I wanted her to feel open and have the ability to any time, if this is too much for you, go and find somebody and live your life.”

Nang makalabas, inalok ni Irons ng kasal si Moore sa isang hotel room.

“She is just an amazing, beautiful person. I can never trap and not let her fulfill her dreams of being a wife and being a mother one day,” ani Irons.

Ngayon kasal na, magpapahinga muna ang four-time WNBA champion sa basketball.

“Right now, I’m trying to really just breathe from this long, long battle and enjoy and rest,”  ani ni Moore.