May 18, 2024

WILLIE REVILLAME, PINATAWAD AT TINULUNGAN SI SUPER TEKLA

Nilinaw ni Willie Revillame na hindi niya tinanggal si  Super Tekla, taliwas sa mga naunang lumabas na mga balita.

Kuwento pa niya, sinabihan niya ang mga staff na hayaan lang ito dahil natulog daw ito nang minsan ay nag-te-taping sila.

Kasunod nito, nagpaalam na ang komedyante sa pamamagitan ng social media at hindi umano ito pormal na nagpaalam.

Sa kabila nito, hindi nagsalita ng kung anong laban sa kanya si Willie at hindi din nito hinarang na makapagtrabaho si Tekla nang tawagan umano siya ng GMA artist center para ipagpaalam na bibigyan nila ng project ang komedyante.

Emosyonal na nagpasalamat si Tekla kay Willie dahil sa pagtanggap na muli sa kanya at sa sinabi nitong tutulong siya sa pagpapagamot sa anak niyang nasa maselan na kalagayan sa kasalukuyan.

Si Super Tekla o Romeo Librada sa tunay na buhay ay isang komedyante, at TV hosts. Una siyang nakilala sa Wowowin bilang katambal ni Donita Nose.

Marami ang lumabas na dahilan kung bakit natanggal si Tekla noon sa wowowin. Isa na sa mga ito ay ang pagkahumaling umano niya sa sugal na kanya ding itinanggi.

Matapos niyang mawala sa nasabing game show, naging bahagi siya ng “Boobay and Tekla Show” na itinapat sa Gandang Gabi Vice ng Kapamilya Network.