May 18, 2024

SHOW NI KRIS AQUINO SA TV5 NAPURNADA

NAKAKALUNGKOT naman ang nangyari sa show ni Ms. Kris Aquino dahil tigbak na agad ito sa TV 5 gayung hindi pa ito inieere sa Kapatid Network.

Mapapanood na sana ito tuwing Linggo ng alas-5:00 ng hapon na magsisimula sa July 25 pero napurnada pa.

“Sad to say talaga na hindi na nga ito matutuloy na maipalabas, maganda pa naman ang tema ng ‘Love Life With Kris Aquino. Kung kailan pa naman na malapit na itong umere, saka naman nagkaroon pa ng hindi  magandang pagkakaunawaan ang dalawang panig,” ayon sa ating source.

“Ang balita kasi ay napulitika ito, at may humarang para hindi na ito tuluyang maipalabas. ‘Di man tanggap sa ABS-CBN at GMA 7 si Kris, patunay lamang ito na hindi na rin tanggap siya sa TV 5. Pero hindi raw nawawalan ng pag-asa si Kris, at para sa kanya ay tuloy pa rin daw ang laban.”

“Nag-deactivate na rin si Kris Aquino ng kanyang social media account, mas minabuti ho niyang manahimik kaysa sumagot sa mga tinatanong at ipinaparatang sa kanya. Ayaw na niyang dumagdag pa sa problema ng Pilipinas, dahil kung tutuusin naman ‘di kawalan para sa kanya ang naudlot na show niya sa TV5,” tsika pa ng aking source na nalungkot sa sinapit ng show ni Ms. Kris Aquino sa TV5 Well, ganyan talaga. Pana-panahon lamang iyan, kaya wait and see na lang muna tayo kung maipapalabas pa ba ito.