May 6, 2024

WARRIORS, TINAGPAS ANG WOLVES, LAKERS, BINALIBAG NG 76ERS

Tinagpas ng Golden State Warriors ang Minnesota Timberwolves, 124-115. nagtuwang sa panalo ang ‘Splash Brothers’ na sina Stephen Curry at Klay Thompson.


Kumana si Curry ng 29 points, 8 boards at 6 assists. Habang si Thompson naman ay nagbuslo ng 23 points at 5 boards. Sa panig naman ng Timberwolves, lumagare si Karl-Anthony Towns ng 31 points at 13 rebounds.

Samantala, binalibag naman ng Philadelphia 76ers ang Los Angeles Lakers, 105-87.

Inilista ni Joel Embiid ang kanyang 16th game with 25 plus points. Nagtala siya ng 26 points, 9 boards at 7 assists.


Nagtala naman si Anthony Davis ng 31 points, 12 boards at 4 blocks sa Lakers. Sa umpisa ng laban ay dikit pa ang laro. Pero, dahil sa magandang shooting ng 76ers, nakaalagwa sila. Mula sa 10 points at lumubo pa ng lamang sa 20 points sa 3rd quarter.
Sa kabila ng paghabol ng Lakers, di nila ito nagawa dahil sa malamyang depensa. Gayunding ang inconsistent good shooting.