May 6, 2024

Wanted sa rape nadakma sa Laguna

KAMPO HENERAL PACIANO RIZAL – Arestado ang most wanted person sa isinagawang manhunt operation ng Bay Municipal Police Station kahapon, Hulyo 31, 2022.

Kinilala ni acting Laguna Provincial Director, Police Colonel Cecilio R Ison Jr, ang akusado na si Melvin R Alejo, 23-anyos, construction worker, at naninirahan sa Sitio Marian Purok 1, Brgy. Puypuy, Bay, Laguna.

Base sa ulat ng Bay MPS, naaresto ang akusado kahapon Hulyo 31, 2022 sa ganap na 5:30 ng hapon sa Brgy. Villa Sta Rosa Sta Rosa, Laguna, sa ikinasang manhunt operation ng mga operatiba ng Bay MPS. Ang nasabing akusado ay dinakip dahil sa kasong panggagahasa sa isang menor de edad.

Ibinaba ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Gregorio M. Velasquez, Presiding Judge ng RTC Branch 35, Calamba City, Laguna laban sa akusado para sa kasong Section 5 (b), of R.A 7610 o sexual intercourse or lascivious conduct committed on a child subjected to other sexual abuse.

Inilabas ang warrant of arrest nito nagdaang Hunyo 23, taong 2017 na may inerekomendang P200,000 na piyansa at natuntun naman ang kinaroroonan ng akusado sa tulong ng impormasyon ng isang concerned citizen.

Ang akusado ay pansamantalang nasa kustodiya ng Bay MPS.