MARIING pinabulaanan ni Health Secretary Francisco Duque III na may nawalang P154 bilyon sa pondo ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) dahil sa katiwalian nitong mga nagdaang taon.
“I have clarified this before the Blue Ribbon Committee last year, but I will repeat it to set the record straight: there is no such thing as a P154-billion loss,” giit ni Duque, chairman ng PhilHealth Board of Directors, sa pagdinig ng Senate Committee of the Whole.
“In fact I am presenting to you this June 10, 2020 letter from COA chairman [Michael] Aguinaldo, confirming that there is no such finding in the published COA annual audit reports,” dagdag pa niya.
Punto pa ng Health secretary na siya ay laban sa korapsyon matapos ulanin ng iba’t ibang alegasyon ng mga anomalya sa magkakahiwalay na imbestigasyon ng Senado, House of Representative at Presidential Anti-Corruption Commission.
“I would like to state for the record that I am for zero tolerance on fraud and corruption,” saad ni Duque.
Tiniyak din ng kalihim na walang pondo nailabas para sa panukalang P2.1 bilyon na information technology project ng PhilHealth dahil nasa proposal stage pa lang ito.
Sinabi rin ni Duque na ang PhilHealth na wala ring ‘favoritism’ sa pagpapalabas ng pondo sa ilalim ng Interim Reimbursement Mechanism (IRM), isang emergency cash advance measure para sa mga sakuna at kalamidad sa panahon ng pandemic.
“On the allegations of the ‘palakasan system’ on the release of funds under IRM, we assure you that there is none,” pagtitiyak ni Duque.
More Stories
Para sa kabataan, Sexuality Education suportado ng DepEd
Cotabato City mayor, 4 iba pa, kinasuhan ng pandarambong
P10.5-M ALAHAS, GADGETS AT PERA NILIMAS NG MGA NAGPANGGAP NA GOV’T EMPLOYEE SA LAGUNA