December 25, 2024

WALANG BASEHAN PARA I-DISQUALIFY SI BONGBONG – COMELEC SPOX


Mismong si COMELEC spokesperson James Jimenez na ang nagsabi na walang malinaw na batayan ang disqualification case na isinampa laban kay Presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

“In order to be disqualified, a candidate must have been convicted of a crime constituting “moral turpitude,” or an offense with at least an 18-month jail term,” paliwanag ni Jimenez.

Aniya, hindi fit sa criteria si Bongbong, at walang malinaw na batayan para sa disqualification case.

“He doesn’t meet this criteria. Right now there is no clear case for disqualification,” saad ni Jiminez sa isang panayam.

Matatandaan na ilang grupo at personalidad na kilalang malapit sa Liberal Party (LP) ang nagsumite ng petisyon sa poll body para kanselahin o i-deny ang Certificate of Candidacy (COC) ng dating senador dahil sa umano’y “false material representation” na nagmula pa sa isang 1995 tax case.

Bilang tugon, naglabas ng pahayag ang Chief of Staff ni Marcos na si Atty Vic Rodriguez kung saan mababasa na, “We shall address this predictable nuisance Petition at the proper time and forum – after we receive the OFFICIAL copy of the same.”

Nakasaad sa petisyon na hindi karapat-dapat na tumakbo sa ano mang posisyon sa gobyerno si Marcos matapos na hatulan siya ng Quezon City Regional Trial Court noong 1995 dahil sa bigo itong maghain ng income tax returns.

Sa desisyon ng Court of Appeals (CA) noong Oktubre 31, 1997, nakasaad ditong bigong makapaghain si Marcos ng kanyang income tax returns mula 1982 hanggang 1985.

Pero inalis ng CA ang parusang pagkakakulong sa dating senador at pinagmulta na lamang ito at inatasang bayaran ang kanyang buwis.

“Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does NOT engage in gutter politics. Our campaign is about nation-building.  For Presidential aspirant Bongbong Marcos, this election is about the future of the Filipino people,” dagdag ni Rodriguez.

Sa hiwalay na radio interview kahapon, sinabi ni Marcos na, Sasagutin na lang namin ito pagdating. Siguro kasama na rin yan sa pulitika. Lalo na yung aming mga kalaban ay imbes na humarap sa eleksyon… kasi siguro natatakot sila sa numero, ididisqualify na lang ako. Pero hindi ako natatakot, hindi ako aatras, patuloy ang lahat ng aking gagawin, hindi ako mag-slide down. Patuloy lang ang aking kandidatura at sa aking mga supporters sa buong Pilipinas, nagpapasalamat  ako na hindi nawawala ang inyong tiwala sa akin.”