April 27, 2024

Wala pang planong magkaanak.. HEART, BALIK-SHOWBIZ

READY na sa muling pagbabalik showbiz ang sikat na fashion model na si Heart Evangelista. Mukhang magiging abala siya ngayong taon. Pinaghahandaan na niya ang kanyang showbiz comeback.

“Hindi naman sa napagod na ako sa sunod-sunod na pag-rampa ko sa mga fashion event, medyo na miss ko rin talaga ang showbiz,” ayon sa aktres.

“Sa showbiz comeback ko, pinipili ng aking management ang mga right projects na bagay sa akin, hindi basta-basta lang. Basta excited na ako sa aking pagbabalik showbiz, at may mga projects naman na kaming na pag-usapan,” dagdag pa nito

“Tungkol sa baby, kung dumating salamat. Pero sa ngayon ay pokus muna kaming mag-asawang sa aming mga career, sino ba ang ayaw magka-baby?”  salaysay pa ni Heart Evangelista.