April 28, 2024

Tom Rodriguez, balik-teleserye sa GMA 7

MAY nilulutong proyekto na para kay Tom Rodriguez, ang Kapuso Network.

Ang huling balita nga namin ay nakipag-meeting na siya sa mga big boss ng GMA 7.

“Katatapos lang nang paglabas niya sa ‘Magpakailanman,’ at hindi pa rin kumukupas ang kanyang husay sa pag-arte kaya naman meron agad siyang teleserye sa Kapuso Network,” ayon kay Miss. Bubuwit na aking source.

“Proud si Tom Rodriguez sa bago niyang natagpuang pag-ibig, pero nag-iingat na siya ngayon kaya ayaw niyang ibulgar kung sino ang babaeng kanyang minamahal,” dagdag pa nito.