NAGPAGAWA si Senador Cynthia Villar ng mga portable hand-washing station sa mga lugar na madalas puntahan ng mga tao gaya ng mga tricycle terminal, palengke at masisikip na komunidad upang maging malinis ang tao kahit nasa labas ng kanilang tahanan.
Ang portable hand-washing station ay gawa sa bakal na may angle bar framing at plain sheet cover. Meron din itong stainless steel sink na may gripo at liquid soap dispenser.
Bukod diyan, meron din itong foot pedal para mas madaling kamapaghugas ng kamay ang mga tao. Manggagaling ang suplay ng tubig sa water pipeline at ang iquid hand soap ay magmumula sa barangay.
“We installed these portable stations to make sure that people who frequent crowded areas have a way to wash their hands whenever the need arises. We cannot overemphasize the fact that handwashing is the most effective way to slow down the spread of diseases, such as COVID-19,” pahayag ni Villar.
Sa ngayon, may 50 portable handwashing stations na ang naipatayo sa mga barangay sa Las Pinas City.
Kabilang dito ang sa Ilaya (katabi ng entrance/exit ng Balite Balon at harap ng Multi-purpose Madrigal); Manuyo 1 (sa Tramo katabi ng barangay outpost, Cleanville entrance at Boracay entrance); Manuyo 2 (Greenvalley entrance/exit sa Pineapple at Purok 5 Exodus St. katabi ng barangay satellite office); D. Fajardo; E. Aldana (entrance/exit ng De Castro) Pulanglupa 1 (Bernabe at Evergreen); Pulanglupa 2 (katabi ng Health center at basketball court sa St. Joseph at Entrance gate ng Topsville at Sandigan); CAA (tricycle terminal – Sampaguita, Balikatan tricycle terminal, Receiver Talipapa, Pagsasarili Talipapa at Narra) at sa Zapote (Basa 1 at Pag-asa).
Makikita rin ito sa Pamplona 1 (Florante kaliwa, Bonifacio-J.P. Rizal Sts. at Long Beach) ; Pamplona 2 (entrance ng Batibot Compound at Kaimito St., Verdant Village) ; Talon 1 (Talipapa sa Golden Acres & Barangay Health center sa Gonden Acres Annex); Talon 2 (tricycle terminals sa Sunshineville, Sta. Cecilia at Cecile’s Restaurant, Manggahan, Carvaggio, Nursery at Satima) Talon 3 (entrance sa St. Louie Phase 1 at entrance sa Urbanville Phase 3 Subd.); Talon 4 (entrance gates ng Everlasting Homes at Christ the King); Talon 5 (Samata at Emmaus Sto. Niño); Almanza 1 (St. Mary’s Homes at San Isidro); Almanza 2 (Pugadlawin at Rebecca); Pilar (Gloria Compound Silver St. gate at Pag-asa Compound Doña Josefa entrance); at Pamplona 2 (Castillo at Talango). Bernabe, Pulanglupa, Pugadlawin, Almanza 2.
More Stories
SUV SA VIRAL VIDEO GUMAMIT NG PEKENG “7” PROTOCOL PLATE – TULFO
BAGYONG MARCE NAGBABANTA SA LUZON (Matapos ang hagupit nina Julian, Kristine at Leon)
PINOY PADDLERS DAPAT WALANG PUKNAT ANG PROGRAMA SA INTERNATONAL NA EKSENA – ESCOLLANTE