May 13, 2024

GABBY CONCEPCION, NAUUNAWAN ANG PAG-BACK OUT NI MARIAN RIVERA SA UNANG PAGTATAMBAL NILA SA TV SERYENG ‘MAY FIRST YAYA’

NAUNAWAAN naman ni Gabby Concepcion kung bakit tinanggihan nitong si Marian Rivera ang magiging first teleserye na pagsasamahan nila sana na may titulong ‘My First Yaya.’

Nagkausap na sila ni Marian at naipaliwanag niya kung bakit siya umurong. Nag-sorry nga daw ang aktres sa kanya at wala naman daw dapat ikabahala si Marian dahil tanggap ni Gabby ang mga paliwanag niya.

Nanghihinayang man ang aktor, mas pabor siya sa naging desisyon ni Marian dahil mahirap nga sa isang ina na habang nagtatrabaho ay mga anak ang nasaisip. Kaya walang problema sa kampo ni Gabby ang mga naging desisyon ng actress at saludo pa dito si Gabby Concepcion.