May 13, 2024

KRIS AQUINO, ‘DI RAW TANGGAP NG KAPATID TV5 NETWORK

NANLUMO ang mga fans ni Kris Aquino dahil hindi na matutuloy ang show ng kanilang idolo sa TV5. Biruin ninyo tatlong malalaking TV station, inayawan siya. Ito nga iyong GMA-7, ABS-CBN, at ang latest nga ay itong TV5.

Ang kumalat kasing balita, si Kris mismo raw ang may problema kaya hindi natuloy ang kanyang show sa TV5. Marami ang nagsasabi na pinatalsik siya o napulitika lang si Kris, dahil tatlong malalaking TV network ang umayaw sa kanya.

Pero ayon sa kampo ni Ms. Kris Aquino, ang TV5 mismo raw ang may ayaw sa kanya. Kaya wala naman daw magagawa si Kris, kung hindi tanggapin na lamang ang naging desisyon ng Kapatid network. Masakit man, pero tanggap na ni Kris ang lahat.

Siguro ang maganda ay magpokus na lang muna si Kris, sa online show na gaya nang ginagawa ni Vice Ganda. Tutal naman hanggang ngayon ay patuloy pa rin naman siyang inaabangan at sinusuportahan ng kanyang mga fans.