May 19, 2024

SELOS DAW ANG DAHILAN NI BB GANDANGHARI KAYA NAGPA-SABOG SIYA TUNGKOL SA RELASYON NIYA KAY PIOLO PASCUAL?

Dahil sa selos, ibinulgar ni BB Gandanghari ang relasyon nila ni Piolo Pascual. Hindi raw matanggap ni BB na ipinagpalit siya nito kay KC Concepcion kaya niya ito nagawa.

Hindi raw kita ang habol niya sa aktor.

Ang gusto lang niyang mangyari ay mailabas ang totoo at hindi raw siya naninira ng career nang may career.

Hindi rin daw siya natatakot sa mga nagbabanta sa kanya, dahil pawang katotohanan ang kanyang mga ipinahayag. Welcome naman daw lahat na sumagot sa kanyang pasabog na inilabas sa social media.