November 5, 2024

Villar nagbigay ng tulong pang-agrikultura sa Marikina

NAMAHAGI si Senadora Cynthia Villar ng 50 sako ng fertilizer at 24 pakete ng binhi sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) Marikina City upang makatulong sa pagpapatayo ng farms at vegetable gardens bilang suporta sa layunin ng siyudad na food sustainability sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ang mga donasyon, sa pamamagitan ng Villar Social Institute for Poverty Alleviation and Governance (Villar SIPAG), ay ibinigay sa National TVET Trainers Academy ng TESDA (NTTA-TESDA) Marikina City.

Nauna nang humingi ng tulon kay Villar, chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, si Perla Lucas, NTTA-TESDA Administrator, kaugnay ng kanilang adbokasiyang  gawing ‘urban farms’ at taniman ng iba’t-ibang gulay ang mga  bakanteng lote at  pocket spaces.

Ayon kay Villar, nanggaling ang organic fertilizers sa kitchen waste na kinolekta sa mga kabahayan sa Las Pinas City.  Dinala ang mga ito sa composting at vermi-composting centers kung saan ginawang organic fertilizers.

“Our composting and recycling projects have transformed 70% of Las Pinas City’s household wastes into reusable resources and enabled us to save on garbage hauling services,” sabi ni Villar, chairperson din ng Senate Committee on Environment.

“This is very timely given the challenges on garbage collection with the ongoing restrictions brought about by the COVID-19 pandemic,” sambit pa nito.

Sabi pa ng senadora, nakatira lamang sa malapit sa composting at recycling centers  ang mga manggagawa rito na nag-oobserba sa social distancing. 

Sa loob ng isang buwan, nakagagawa ng 70 tons ng fertilizer ang composting centers na ipinatayo ni Villar. Ibinibigay ito ng libre sa mga magsasaka sa mga karatig probinsiya. 

“In Metro Manila, there are also urban gardeners and vegetable farmers who benefit from this free farm input,” ani ni Villar. 

Tiniyak pa ng senadora kanyang ipagpapatuloy pagtratrabaho kasama ang national at local government pati ang komunidad para isulong ang urban gardening at makamit ng pamilyang Pilipino ang pang-araw-araw nilang nutrisyon lalo na ngayong may COVID-19 health crisis.