May 4, 2024

VICE GANDA AT ION PEREZ, DINEDMA LANG ANG DEMANDA NG KSMBPI

GRABE naman itong KSMBPI [Kapisanan ng mga Social Media Broadcaster sa Pilipinas, Inc.) Nagsampa sila ng demanda laban kina Ion Perez at Vice Ganda dahil sa ginawa nilang icing lick of cake with their fingers.

“Dinedma na lang ho ni Vice Ganda at Ion Perez, ang demandang isinampa sa kanila ng KSMBPI. Over naman sila, maliit na isyu pinalalaki nila. At green minded ang dating nila, lahat ng iyan handa namang harapin ng dalawa.

“Mas may sobra ngang ginawa ang ibang show pero, bakit hindi raw nila kinasuhan? Unfair naman kung bawat gagawin nila ay bibigyan nila ng ibang pakahulugan, sobra naman iyon.

“Basta sila kung may kaso, haharapin naman nila iyon at never silang uurong. Dahil ginawa nila iyon para magpasaya at hindi para manira ng mga isip ng kabataan na mulat naman na sa kamunduhan,” mataray na pahayag ng aking source.