May 19, 2024

POKWANG, ‘DI PA RIN MAKA-MOVE ON

GALIT ang mga netizens sa drama ni Pokwang, halata raw ang komedyante na hanggang ngayon ay hindi pa rin ito maka-move on sa hiwalayan nila ng kanyang asawang si Lee O Brian. Gayung ang ex-husband naman niya ay tahimik lamang sa mga ginagawang batikos at kinasuhan pa ni Pokwang si Lee.

“Hindi talaga siya maka-recover, pati mga masasakit na bintang ay patuloy niya itong ibinabato. Sobrang na in-love si Pokwang, kaya hindi niya ito matanggap. Ngayong na untog na ang komedyante, gising na gising na siya at talagang wala na sa plano pa niyang balikan si Lee.

“Normal lang naman na magdrama ang isang babae, lalo na’t nasaktan ito. Sumasagot talaga siya sa mga bashers lalo na’t hindi niya feel ang mga banat nito sa kanya,” pagtatapos pa ng aking source.