Gaano kaya katotoo na bilang na ang araw ni Executive Secretary Vic Rodriguez sa Gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos Jr?
Sa inilabas na article ng Politiko website, si Retired Chief Justice Lucas Bersamin ang ikonokonsiderang papalit kay Rodriguez bilang Executive Secretary.
Ayon sa source ng Politiko, ang kasalukuyang chairman ng Government Service Insurance System (GSIS) na si Bersamin, ay maaring italaga bilang Executive Secretary kaya hindi na kailangan pang humarap si Rodriguez sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA).
Matatandaan na isa si Bersamin sa bumoto na pabor para maipalibing si dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.
Usap-usapan kasi na mahihirapan si Rodriguez na maaprubahan ng CA ang appointment nito dahil sa kinakasangkutan nitong kontrobersiya kamakailan lang kaugnay sa pag-import ng tone-toneladang asukal.
Sakaling matuloy ang usap-usapang appointment ni Bersamin bilang Executive Secretary, umuugong na si Rodriguez ang gaganap sa tungkulin bilang chief of staff ni Marcos, isang posisyon na binuwag noong 2008.
Itinuturing ng ilang mga observer na kabalintunaan ang napapabalitang hakbang ni Rodriguez bilang chief of staff dahil halos inalis na niya ang posisyon ng Cabinet Secretary—na dating hawak ni Karlo Nograles sa ilalim ng Duterte administration.
More Stories
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund
Philippine University Archery League C’ship tutudla sa PUP Ground sa Nob. 23-24