May 5, 2024

VANESSA SARNO, BUMUHAT NG 2 GOLD MEDALS SA ASIAN WEIGHTLIFTING MEET

Bumida si teen weightlifter Vanessa Sarno sa pagbuhat sa 2020 Asian Weightlifting  Championships sa Uzbekistan. Nagtapos ang 17-anyos na Boholano teen na kampeon sa 71-kilogram division.

Nabuhat ni Sarno ang 124 kg sa kanyang second attempt sa clean and jerk. Dahil dito, naungusan niya si Gulnabat Kadyrova ng Turkmenistan na bumuhat ng 121 kg.

Sinubukan ni Kadyrova na bumuhat ng 124 sa kanyang last lift. Ngunit, nabigong i-set ang 223 kg total. Nagtapos si Kadyrova sa silver at napasa Filipina weightlifter ang gold medal finish.

Nagtala ang solid performance si Sarno sa buong kompetisyon. Nabuhat nito ang 128 kg para itala ang 229 kg finish.

Dahil dito, nakasaungkit siya ng 2 golds sa clean and jerk at sa overall rank.