DAHIL sa pagsisikap ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na isulong ang ligtas na pagmamaneho, nakipagtulungan sina Mayor WES Gatchalian at Konsehal Sel Sabino-Sy sa Ford Motors Company at nagsagawa ng pagsasanay na tinawag na “Ford Driving Skills For Life,” na ginanap sa Club House, Barangay Canumay West.
Halos 300 katao ang nakilahok sa nasabing pagsasanay na pinangunahan ng mga propesyonal mula sa Ford Motors. Ang mga kalahok ay nagmula sa publiko at pribadong sektor kabilang ang mga kawani mula sa Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office (VCDRRMO), Valenzuela City Police Station (VCPS), Barangay Workers, at ilang empleyado ng City Hall.
Bukod dito, lumahok din at sumubok ng ilang unit ng sasakyan na dala ng Ford ang mga mag-aaral mula sa Our Lady of Fatima University (OLFU), Valenzuela City Technological College (ValTech), at Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela (PLV).
Bago ang aktwal driving test, dumalo ang mga kalahok sa isang araw na seminar bilang bahagi ng kanilang pagsasanay. Tinalakay ng mga automotive experts mula sa Ford ang mga madalas na pagtatagpo sa kalsada. Itinuro din nila ang mga road signs at nagbigay ng mga safety guidelines na maaari nilang ilapat kapag nagmamaneho.
Ipinakita din ang mga video ng pinakabagong mga insidente sa kalsada sa panahon ng pagsasanay na tumatalakay sa isang pangunahing ideya ng road safety kung paano pigilan ang sarili sakaling masangkot sa ganoong mga sitwasyon.
Personal naman na pnuri ni Mayor WES ang mga lumahok, lalo na ang mga mag-aaral, dahil ito ang kanilang unang pagkakataon na sumali sa pagsasanay sa pagmamaneho mula nang ilunsad ito noong nakaraang taon.
“Alam niyo po, hindi po araw-araw na may ganito tayong programa kaya ang mga student na nakilahok ngayon ay very lucky na maging bahagi ng ating training ngayon. Ito po ay supported ng Ford Philippines at tayo po ay nagpapasalamat sa kanilang tulong sa ating pamahalaan.” aniya.
More Stories
P761K droga, nasamsam sa Caloocan buy bust, 3 tiklo
Leader ng “Melor Robbery Gang” na wanted sa Valenzuela, timbog!
VP Sara tinatakasan P612.5-M confidential fund