May 18, 2024

UTOL NI TRILLANES PATAY SA COVID

Inanunsiyo ni dating Senator Antonio Trillanes na pumanaw na ang kanyang kapatid na si Antonio ‘Tiny’ Trillanes III matapos madapuan ng COVID-19.

“It is with deep sadness that I announce the sudden demise of my brother Antonio ‘Tiny’ Trillanes III,” saad ng dating mambabatas/. “He died of complications due to COVID past midnight today, August 21. He was 51,” isinulat ni Trillanes sa kanyang Twitter, nag-post ng larawan niya kasama ang kapatid noong sila’y bata pa.

Noong Biyernes, naitala ang pinakamataas na kaso na 17,231 na bagong COVID-19 infections. Dahilan para umakyat sa 1,807,800 kaso ng nakamamatay na virus sa bansa.

Sa bilang na ito, 123,251 ang aktibo, 1,653,351 ang nakarekober habang 31,198 naman ang namatay.