
Pumalaot na sa semifinals ng 2021 NBA playoffs ang Utah Jazz. Ito’y matapos katayin ang Memphis Grizzlies sa Game 5 ng West Series Round , 126-110.
Tinapos ng Jazz ang series sa kartadang 4-1.
Bumida si Donovam Mitchell sa panalo ng Jazz sa pagtala ng 30 points, 6 boards at 10 assists. Hindi rin nagpahuli si Fil-Am Jordan Clarkson sa pagkamada ng 24 points, 3 assists at 2 steals.
Nag-ambag naman si Rudy Gobert ng 23 points, 15 boards at 3 blocks. Si Bojan Bogdanovic naman ay bumira ng 17 points, 8 boards at 4 assists.
Sa panig naman ng Memphis, kumana si Jah Morant ng 27 points, 11 assists at 7 boards.
Hihinayin na lang ng Utah ang makatatapat nila sa mananalo sa Dallas at LA Clippers.
More Stories
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo
BENHUR ABALOS SUPORTADO ANG LABAN NI AGM BERNARDINO SA AUSTRALIA