May 19, 2024

JOSE MANALO, MALUNGKOT SA PAGKAMATAY NG KANYANG KAPATID SA IBANG BANSA

Sa kabila ng pagiging joker ni Jose Manalo, may itinatago pala itong sadness deep inside. Itinatabi niya ang personal problem sa kanyang trabaho.

Kung kaya, tuloy pa rin ang salang niya sa taped episodes ng Eat Bulaga kahit may pinagdadaanan.

Pumanaw na kasi ang kanyang kapatid na si Arthur Manalo. Ang nakalulungkot pa rito, sa ibang bansa ito namatay. Kung kaya, medyo mahirap kay Jose ang mag-adjust.

Nalaman namin ito dahil sa ipinorward na message ng aming kaibigan. Na ang mensahe o balita ay mula sa kanyang kapatid na si Arnel. Anupa’t nalaman namin ang nangyari.

Kaya, alam namin, malungkot sa ngayon ngayon si Jose.

Wala naman kasi siyang social media account. Kung kaya, hindi alam ng mga netizens ang personal na nangyayari sa kanyang buhay. ‘O sa mga taong malapit sa kanya.