April 28, 2024

UTAH JAZZ, PINATAOB ANG MEMPHIS GRIZZLIES, 141-129

Rumesbak ang Utah Jazz kontra Memphiz Grizzlies sa Game 2 ng Western Conference playoff series. Naitabla ng Jazz ang series sa 1-1 matapos pataubin ang Memphis, 141-129.

Humataw ng 25 points at 3 rebounds si Donovan Mitchell para sa Jazz. Hanep din ang ambag ni Rudy Gobert na 21 points, 13 boards at 4 blocks.

Nag-ambag naman si Mike Conley ng 20 points, 15 assists at 4 boards.

Lumagare naman si Bojan Bogdanovic ng 18 points at 3 rebounds. Samantalang 16 points at 6 rebounds naman ang inambag ni Jordan Clarkson.

Nasayang naman ang binuslong 47 points ni Jah Morant sa Memphis. Gayundin din ng 7 assists at 4 rebounds.

Muling magtatapat ang dalawa sa Linggo sa Game 3 sa homecourt ng Grizzlies.