SUMISINGASING si Dondon ‘Rugby Boy’ Serrano pagtunog pa lang ng opening bell pasugod at pinaulanan ng malalakas na suntok ang na-offguard na si Richard Redman dahilan upang bumagsak ang huli ,11 segundo sa unang round ng tampok na bakbakan sa overhyped URCC’82 Royal Knuckle ,Martes ng gabi sa dinagsang Royal Night Club sa A-venue,Makati City.
Agad na itinigil ng referee ang itinuturing na epikong bangasan nang di na makatayo ang beteranong mixed martial artist na si Redman kontra bagong sibol na knuckle fighter na si Rugby Boy upang itala ang pinakamaigsing laban sa larangan ng local bare knuckle na ipinakilala sa MMA community ni Universal Reality Combat Championship founder/ chief Alvin Aguilar.
Ang 31- anyos na Cebuano at dating amateur boxer na si Serrano ang tinanghal na bare knuckle sensation-isang combat sport na purong kamao ang sandata at walang suot na anumang proteksiyon tulad ng gloves o guwantes.
” Narito na si Rugby Boy..sino pa ang maghahamon? ,iko- call ko kayo,yeow!, pagmamalaking sambit ni knuckle spectacle Serrano
Sa mga naunang fightcard,minekaniko ni Tirso ‘D’ Mechanic’ Torres si Rocky Vergara via majority decision sa 125 weight class,na-outpoint sa suntok ni Edemel Catalan si Rexamar Liloc sa 115 pounder at hindi pinaporma ni Leonard Pornia si Jeffrey Subla ( TKO) sa 145 ponds category.
Pinaulanan ng suntok ni Allen Wycoco Manunusok upang i- TKO ang mapusok na si Stephen Atok sa 170 habang agad na nabuwal si Jovanie Bualan nang i-knockout ng uppercut ni Mark Sadang sa 160 lbs.
Maningning ang Martes ng gabi para kay Marvin Malunes matapos niyang i-TKO ang mistulang binagyong si Wilson Managuio sa 135 lbs. Matapos ang awarding ceremony ng kaganapang suportado rin ng Crazy Win,Nueve Gaming,Top One Play at ALV Events na sinaksihan mismo ni GAB chairman Atty.Richard Clarin ay inanunsyo ni chief Aguilar ang susunod na matchup nina Rugby Boy Serrano at Wycoco Manunusok.
More Stories
NAT’L SCIENCE, TECHNOLOGY AND INNOVATION WEEK GAGANAPIN SA CAGAYAN DE ORO CITY
PH, US LUMAGDA SA INTEL SHARING AGREEMENT
Agila ng Bayan, Pinagkakatiwalaang Pahayagan ng mga Mag-aaral