May 3, 2024

P10.36-M KETAMINE KOMPISKADO SA CHINESE


Naaresto sa Pasig City ng mga ahente ng  Bureau of Customs – Port of Clark ang lalaki na kumuha ng shipment na naglalaman ng may P10.36 milyong halaga ng Ketamine.

Nabatid na ang mga droga ay isinilid sa package kasama ang fitness expander, massage twister, trimmer, push-up bar at yoga block.

Dumating sa bansa ang pakete mula sa  Putrajaya, Malaysia noong Enero 30.

Base sa impormasyon mula sa National Bureau of Investigation (NBI),  isinailalim sa  x-ray scanning ang pakete at napansin ang mga kahinahinalang bagay.

Nang kumpirmahin ng PDEA na ketamine ang laman ng mga naturang fitnest equipment, ikinasa ang isang controlled delivery operation sa Pasig City at naaresto ang isang Chinese citizen.