May 1, 2024

NENE DINUKOT, NI-RAPE SA NAVOTAS

SA kulungan ang bagsak ng isang lalaki matapos ireklamo ng pagdukot at panghahalay sa isang 12-anyos na dalaginding sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.Nahaharap sa kasong Abduction at Statutory Rape ang naarestong suspek na kinilala bilang si Danilo Dipay alyas “Dandan”, 28 ng M. Abiola Street, Tangos South, Navotas City.

Ayon sa Women’s and Children Protection Desk (WCPD) ng Navotas police, alas-7:00 ng gabi noong February 2 nang personal na magtungo sa kanilang opisina ang ina ng biktimang itinago sa pangalang “Marimar” at naghain ng kanyang reklamo na ang kanyang anak ay dinukot at sekswal na inabuso umano ng suspek.

Ipinaalam ng WCPD duty investigator sa barangay at mga tauhan ng San Roque Sub-Station 2 ang pangyayari na agad namang nagsagawa ng follow-up operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek dakong alas-9 ng gabi sa Dike Abiola, Tangos South.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, dinala ng suspek ang biktima sa kanyang bahay at doon ay sekswal umanong inabuso sa pamamagitan ng pagpilit sa nene na makipagtalik sa suspek kung saan umabot umano sa humigi’t kumulang 18 oras na hawak ng lalaki ang biktima.