Marami ang nawalan ng kabuhayan noong nagkaroon ng COVID-19 pandemic. Kaya, bukod sa urban farming, tinitingnan din ng Department of Agriculture ang urban agriculture.
Anila, pwede itong alternatibong pangkabuhayan para sa mga backyard hog raisers. Ang nabanggit na sector ay lubrang naapektuhan ng tumamang African Swine Fever (ASF) sa bansa.
Katunayan, nasa daan-daang backyard pigs sa Quezon City ang namatay dahil sa ASF.Ika nga ng ilan, pauutangin sila para makabangon. Nasa 500,000 baboy naman ang pinatay at namatay dahil sa salot.
Kaya naman, inabandona ng ating mga kababayang hog raisers ang nasabing kabuhayan.Pero, ang hirit nila, ayuda ang kailangan nila. Mababaon lang kasi sila kapag umutang. Tama nga naman.
Ang urban aquaculture project ay ikinasa na sa Brgy. Bagong Silangan sa Quezon City. Sa ilalim nito, aalalay ang pamahalaan ng lungsod.
Magbibigay sila ng 9,000 tilapia fingerlings at 10,000 hito sa 60 identified ASF-affected hog raisers sa nasabing barangay.
May kumagat naman dito. Katunayan, ang nakatenggang pigpens ay ginawang fish tanks para sa fish culture. Ilalagay sa mga fish tank ng fingerlings. Gayundin ang recirculating aquaculture system.
Sa ganitong paraan, masasala ang dumi at makadagdag ng dissolved oxygen sa tubig. Sa paraang ito, gaganda ang quality ng tubig. Na mahalaga naman sa paglaki at lagay ng mga isda.
Nais ng BFAR na makaagapay pa ang ilang siyudad sa proyektong ito. Na makabubuti sa urban aquacultures. Sa gayun ay marami ang matulungan na nawalan ng kabuhayan.
Makatutulong rin ito sa pagdami ng suplay ng pagkain. Na magpapababa sa presyo nito lalo na ng mga isda. Viva La Raza!
More Stories
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE
Mga leader ng bansa dapat mahiya sa mga Pilipino, walang tigil sa bangayan!
Hen. Antonio Luna, Dangal ng Lahing Pilipino