May 17, 2024

Jaja Santiago, nagba-bye na sa Ageo Medics sa Japan V League

Saimata, Japan- Pagkatapos akayin ang kanyang team na Ageo Medics sa fifth place finish, nagba-bye na si Pinay volleybelle Jaja Santiago.

Napaso na kasi ang contact nito sa team. Gayunman, open naman ang Ageo Medics na palaruin siyang muli. Bukas naman na bigyan siya ng new contact.

Tinapos muna ni Jaja ang kanyang obligasyon sa Ageo sa Japan V. League. Tinalo nila ang Okayama Seagulls sa apat na seats.

Nagtala ang 6-5-foot player ng 11 points sa ginawa nitong 9 kills at 2 blocks sa loob ng 1 hour at 54 minutes game.

Bumida naman sa Ageo Medics si Yuka Sato na umiskor ng 25 points sa laro na idinaos sa Saitama Prefecture.

Noong 2020, umalalay si Santiago sa Ageo Medics sa pag-akay nito sa third place. Pero, hindi na ito muling nagawa ng team sa nakalipas na season.