May 18, 2024

UP LADY MAROONS, KINALDAG ANG FEU LADY TAMARAWS

Pinigtas ng UP Lady Maroons ang two-game losing streak skid sa UAAP Season 84 women’s volleyball. Kinaldag ng UP ang FEU Lady Tamaraws, 25-10, 25-19, 25-7.

Dahil sa panalo, buhay pa ang pag-asa ng UP na makatuntong sa Final 4. May record ang team na 5-6. Samantalang bumagsak naman ang FEU sa 1-10. Ang pagkatalo ay pangwalong sunod na ng Lady Tamaraws sa contention. Pinakamalamyang performance ng team sa nakalipas na 7 season.

Nanguna sa big win ng team si Mariane Sotomil na may 18 excellent sets. Nagtala rin ito ng 4 points. Gayundin si Alyssa Bertolano na may 14 points.