November 23, 2024

UNPREDICTABLE NA OUTCOME NG NBA PLAYOFFS, NAKAKAGULAT

Unpredictable talaga ngayon ang mga pangyayari sa NBA playoffs. Nakakagulat pero exciting. Walang LeBron James at Stephen Curry ang naglalaro para sa kontensyon.

Apat na team ang natira para sa inaasam na NBA Championship. Maraming experts at analyst ang sumablay sa kanilang prediction. Laglag na kasi ang Brooklyn Nets. Gayundin ang Philadelphia 76ers.

Hindi natin masisisi ang mga experts. Bilog an bola. Marami ang posibleng mangyari. Lahat naman ng team na kasama sa playoffs ay gustong manalo.

Nanggulat ang Atlanta Hawks sa pagtitimon ni Nate McMillan. Dapat, siya ang hinirang na ‘Coach of the Year’. Wala man gaanong superstar ang team, chemistry ang pinagana ng Hawks.

Pati Phoenix Suns ay gayundin. Nangugugulat. Medyo tumama tayo sa hinuha natin noon. Bago pa man magsimula ang NBA 2020-2021 season, Phoenix at Atlanta ang ilan samga darkhorse.

Ngayon, sa bakbakan ng Phoenix at Los Angeles Clippers, sino raw kaya ang mananalo? Mahirap manghula. Sa ganang akin, lamang ang Clippers pero nasa Phoenix ang momentum.

Sa panig naman ng Bucks at Atlanta, nakikita natin ang deperensiya. Medyo lamang ang Bucks. pero, mag-iingat sila sa mahika ng Atlanta.

Pero, ayon sa mga experts ng CBS sports, hindi kakayanin ng Hawks ang Bucks. Lulusot naman ang Suns sa Clippers.

Pero, ito ang pagkakataon na samantalahin ng mga players at team ang oportunidad. Pagkakataon na para sa kampeonato.