May 13, 2024

JAMES DE LOS SANTOS, NASIPA ANG IKA- 26 GOLD MEDAL SA EURO GRAND PRIX

Nasipa ni world’s no.1 Ekata James De los Santos ang ika-26 gold medal ngayong 2021. Naghari siya sa katatapos lang na 2nd Euro Grand Prix eTournament.

Dinaig niya sa elimination round ang pambato ng USA at Germany. Nakaharap naman niya sa final round ang pambato ng Switzerland na si Matias Domont Moreno.

Naungusan ni De Los Santos si Moreno sa finals sa gahiblang 24.84-24.62.

Bukod kay De los Santos, panalo rin ang kanyang student na si Fatima A-Isha Lim Hamsain. Nahablot nito ang gold medal sa U16 Female eKata division.

Ginapi ni Fatima ang manok ng Czech Republic sa iskor na 24.14-23.66 sa final round.