May 5, 2024

‘Tropang Giga’ na ang TNT KaTropa

Mag-iiba na ng monicker ang TNT KaTropa sa 45th season ng PBA bubble sa Clark, Pampanga.

Gagamitin na ng TNT ang monicker na Tropang Giga sa Philippine Cup simula sa October 11. Katunayan, ipinost ng team ang new identity sa social media accounts.

 “We don’t just go big! We always go GIGA!” pahayag ng team.

Ang pagpapalit ng monicker ay ikalima na sa prangkisa sapol nang makilala ito bilang Mobiline Phone Pals noong 2001.

Naging Talk ‘N Text Phone Pals ang Mobiline noong 2001 Governor’s Cup. Nagtagal ang monicker hanggang 2008 Fiesta Conference.

Noong 2008-2009, pinalitan uli ito ng Talk ‘N Text Tropang Texters. Nagtagal ito hanggang 2014-2015 season. Kung saan nakakamig ang team ng 6 championships.

Sa bagong monicker na Tropang Giga, umaasa ang team na magiging matagumpay sila sa bubble. Lalo na’t isa sila sa top contender ng torneo.