April 30, 2024

Tropang Giga laban sa Aces; Barangay Ginebra kontra NLEX Road Warriors, sasalang sa opening ng PBA bubble

Muling magbabalik action ang liga ng bayan sa October 11 sa Clark, Pampanga. Sadyang kakaiba ang ika-45 season ng PBA dahil gagawin ito ng bubble format.

Unang  bubuslo sa PBA Philippine Cup bubble ang TNT Tropang Giga laban sa Alaska Aces.

Ibabandera ng Tropang Giga ang mga pambato nitong sina Jason Castro, Roger Pogoy at Troy Rosario. May bagong salta rin sa Giga na si Poy Erram.

Sinasabing contender ang Tropang Giga dahil sa matikas na coach na si Bong Ravena at active consultant Mark Dickel.

Pambato naman ng Aces sina Vic Manuel at Jeron Teng at ang diskarte ni coach Jeff Cariaso.

Susundan ito ng Barangay Ginebra San Miguel kontra NLEX Road Warriors. Babandera sa Gin Kings si LA ‘Teniente’ Tenorio, Japeth Aguilar at Scottie Thompson. Pambato naman ng NLEX sina Kiefer Ravena, Kevin Alas at Larry Fonacier.

Sa unang pagkakataon, idaraos ang PBA games na walang nanonood na audience ng live.Malamang na virtual fans format din ang siste ng liga para mapanood ang laro ng live ng mga fans.