May 3, 2024

TROPANG GIGA, CHAMP SA 2021 PBA PHILIPPINE CUP

Kinaldag na ng TNT Tropang Giga ang PBA Philippine Cup championship trophy. Ito’y matapos gawing pulutan ang Magnolia Pambansang Manok Hotshots, 94-79 sa Game 5. Nagtapos ang finals series sa 4-1.


Hinirang na Honda-PBA Press Corps Finals MVP si sensational rookie Mikey Williams. Ito ay dahil sa kanyang performance na mayroong average na 27.6 points. Gayundin ng 5.2 rebounds at 4.8 assists.


Magandang regalo sa kanyang 30th birthday ang pagkampeon ng Tropang Giga.
Bumanat ang No.4 pick player ng 24 points, 4 boards at 4 assists sa Game 5.Nag-ambag naman si Roger Pogoy ng 19 points. Si Boy Erram naman ang bumira ng 7 points, 10 boards at 4 blocks.

Ang pagkampeon ng TNT ay pang-anim na sa All-Filipino title.Pangwalo naman sa kabuuang kampeonato. Ito rin ang 9th ring ni coach Chot Reyes sa kanyang coaching career. Tinimunan niya noon ang Talk ‘N Text noong 2008-2012.