NASABAT sa isang tricycle driver na si Micheal Tojino, 29, ang aabot sa 20.2 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P137,360 sa Navotas City. (RIC ROLDAN)
REHAS na bakal ang kinasadalakan ng isang tricycle driver na sangkot umano ang pagbebenta ng illegal na droga matapos masakote sa buy-bust operation ng pulisya sa Navotas city, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni Navotas police chief Col. Rolando Balasabas ang naarestong suspek na si Micheal Tojino alyas “Mako”, 29 ng 520 B Cruz Brgy. Tangos North.
Sa imbestigasyon ni PSSg John Mikhail Garces, alas-11:30 ng gabi nang isagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PLT Genere Sanchez ang buy-bust operation kontra kay Tojino sa B Cruz St.
Kaagad dinamba ng mga operatiba ang suspek matapos bentahan ng isang plastic sachet ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer kapalit ng P500 marked money.
Nakuha sa suspek ang aabot sa 20.2 gramo ng hinihinalang shabu na nasa P137,360 ang halaga at buy-bust money.
Kakasuhan ng pulisya ang suspek ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 sa piskalya ng lungsod ng Navotas.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA