May 13, 2024

Magnolia Hot Shots team manager Alvin Patrimonio, magiging lolo na

Masayang inanunsiyo ni dating PBA cager at 4-time MVP Alvin Patrimonio na magiging lolo na siya.

Ito ay dahil sa magiging mommy na kanyang pangalawang anak na babae na si Anna Clarice. Ayon kay Clarice, next month na siya manganganak. Excited na rin siyang makita ang kanyang baby.

Bukod sa kanya, excited na rin ang kanyang parents at mga kapatid na sina Angelo, Tintin at Asher na makita ang baby.

Si Clarice, 28-anyos ay isang tennis player na sumalang sa 2019 SEA Games. Naging Mutya rin siya ng Cainta.

Pambato rin ng National University ang tennis player noong 2019 UAAP tilt. Nakasungkit noon ng bronze medal si Clarice noong pumalo ito sa Singapore meet.

Iba pala ang feeling kapag magiging lolo ka na,” wika ng Magnolia Hots team manager na si Alvin.

Excited na akong makita ang apo ko,” ani ng dating Purefoods franchise star sa PBA.