May 17, 2024

Tricycle driver arestado sa drug bust operation sa Las Piñas City

ARESTADO ang isang tricycle driver sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit sa Las Piñas City.

Kinilala ang suspek na si Nicanor Montalban, 46, na nakatira sa 1303 F Santos Ave., Zapote sa naturang lungsod.

Ayon sa Southern Police District, target sa operasyon si Montalban na isinagawa kaninang umaga na nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek sa kahabaan ng Tramo.

Narekober mula sa suspek ang tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tinatayang aabot sa P80,920 at buy-bust money.

Sa ngayon ay nakakulong na ang suspek sa Las Piñas City Police Station Custodial Facility habang inihahanda ang kasong isasampa laban dito. (Balita ni RUDY MABANAG)