Bukod sa basketball, abala rin sa kanyang music career si Portland TrailBlazers guard Damian Lillard.
Habang naghihintay sa NBA restart, ikinamada ni Lillard ang kanyang mini recording studio sa Disney Wide World of Sports Complex.
Ang koponan ni Lillard na Blazers ay kabilang sa 22-team NBA restart na nagnanais makapasok sa playoffs.
Sa studioinire-record ng star guard ang kanyang mga kantang rap.
Si Lillard ay may rap persona na Dame D.O.L.L.A.
Gusto niyang makilala rin bilang rapper bukod sa pagiging baller.
Naka-equipped sa silid ni Lilliard ang microphone, headphones at laptop na may recording software.
Gayundin ang audio interface upang lihain o i-mix ang kanta.
Mayroon ding makapal na carpet sa silid na nakatutulong sa sound quality.
“I saw people saying that there would be complaints of him recording music, but I don’t have any speakers. Everything is in the headphone speakers.”
“I’m rapping out loud, but not screaming to the top of my lungs. Nobody is going to hear me rapping,” aniya.
Nitong nakaraang buwan, naglabas ng singles ang player na pinamagatang ‘Goat Spirit’.Tampok o featuring sa kanta si Raphael Saadiq.
Ang kanta niyang “Blacklist’ ay may tema tungkol sa police brutality s amga unarmed Blacl people.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo