May 4, 2024

6-ANYOS, PINARANGALAN BILANG WBC ‘HONORARY CHAMPION’

Pinarangalan bilang ‘WBC Honorary Champion’ ang 6-anyos na si Bridger Walker ng Wyoming, U.S.A.

Ito’y matapos iligtas ng bata ang kanyang younger sister sa dog attack noong July 9

Ang heroic kid tuloy ang kinagat ng canine sa kaliwang pisngi.

Sumailalim naman sa 90 stiches ang bata dahil sa insidente.

Si heavyweight pug Tyson Fury ang regular champion ng WBC.

Gayunman, ginawaran nito ng special status ang batang bayani.

We are honored to name 6-year-old, Bridger Walker, WBC Honorary Champion, for his brave actions that represent the best values ​​of humanity,” saad ng WBC.

“Bridger, you’re a hero.”

Nag-viral naman ang post ng kanilang tiyahin na si Nikki sa Instagram, kung saan makikitang nagselfie ang magkapatid.

Mayroon itong 200,000 likes at 11,000 comments.

Nagpaabot naman ng pagbati ang ilang sikat na celebrity sa Hollywood sa ginawa ni Bridger.

Kabilang na rito sina Robert Downey Jr, Chris Evans at Chris Hemsworth.