May 8, 2024

TOTS CARLOS, IPINANAWAGAN NG FANS NA ISALI NA NAT’L TEAM

Humihirit ang volleyball fans na isama si Tots Carlos sa national women’s volleyball team. Ito ay dahil sa galing na ipinakita ng Creamline Cool Smashers volleybelle sa 2022 PVL Open Conference.
Hinirang na Most Valuable Player of the Conference si Carlos.

Nasungkit din nito ang Best Opposite Hitter ng liga. Kaya, mismong fans na ang nag-nominate sa kanya sa isalang sa national team.


Maganda anila kung mapapasama ito na kakatawan sa bansa sa 31st SEA Games sa Vietnam.
Malaki ang in-improve ni Tots. Dapat mapasama siya. Malaki ang maitutulong nya sa team,” ani ng netizen.


Please, isama si Tots. Deserving siya. Makatutulong siya sa team,” wika ng isa pa.
Karamihan sa nanawagan na isali si Carlos sa team ay mga fans ng Creamline. Pati na rin ang mga volleyball enthusiast.