September 19, 2024

Tony Ferrer, ‘Agent X-44’, pumanaw, 86

PUMANAW na ang beteranong aktor na si Tony Ferrer, ang James Bond ng Pilipinas, nitong Sabado sa edad na 86.

Ito ang kinumpirma ng kanyang anak na babae na si Mutya Laxa Buensuceso.

“On 23 January 2021, our beloved father, friend, and Philippine movie industry treasure ANTONIO D. LAXA popularly known as TONY FERRER joined our Creator quietly in his sleep and in the comfort of his home. He was 86 years old,”  ayon sa Instagram post ni Buensuceso.

Si Tony Ferrer o Antonio Laxa sa tunay na buhay ay sumikat noong ’60s at ’70s, nang ginampanan niya ang role bilang Tony Falcon sa “Agent X-44” movie series.

Isa sa huling paglabas ni Tony sa big screen noong nakasama siya sa pelikula ng komedyanteng si Vhong Navarro, para sa bagong version ng “Agent X44.”

Samantala, hindi pa naglalabas ng pahayag ang pamilya nito ukol sa magiging burol at libing ng aktor, lalo’t bawal pa rin ang mass gathering ngayong may umiiral pang COVID-19 pandemic.